My brain says.........

0 11.29.11.
0 11.29.11.
0 11.29.11.
0 11.29.11.
0 11.06.11.
0 10.17.11.
0 9.18.11.
some art

some art

0 9.18.11.

Worth it ba si Galit?

     Sobrang nakakainis, nakakagalit , nakaka-init ng ulo! Lahat yan nararamdaman ko. Pero sa huli isa lang ang naging tanong ko “worth it ba lahat ng ito?”

     Maraming nangyayari sa buhay nating mga tao. Ma-inlove, magpakasaya, matawa, malungkot, mapa-away at syempre magalit. Sinong tao ang hindi nagalit sa buong buhay niya? Normal lang naman di ba? Pero pag araw-araw ka ng nagagalit , naiinis, at naiirita, hala, baka iba na yan.

    Ang galit ay isang masamang elementong kumakain sa isang tao lalo na kapag litong lito na siya. Kapag galit tayo, hindi natin magawang makontrol ang ating sarili. Hindi maganda ang pakiramdam ng nagagalit, mas maraming itong masamang epekto kaysa sa mabuti. Unang una sa ating kalusugan. kahit na anong ganda ng sirkulasyon na ating katawan dahil sa araw-araw na pag-eehersisyo, nilalagay pa rin natin sa panganib ang ating sarili kung hindi natin kayang ikontrol ang ating nararamdamang galit. Kapag nagagalit ang isang tao, nagkakaroon siya ng muscle tension, nanggagalaiting mga ngipin mahigpit na pagsara ng kamay, pag-init ng tainga,pamumula, pagtaas ng blood pressure, paninikip ng dibdib, sobra-sobrang pagpapawis, panlalamig, at sobrang pagsakit ng ulo.

    Kung minsan sa ilang mas malalang kaso, nagkakaroon sila ng peptic ulcer, constipation, Patuloy na pagdudumi, intestinal cramping, pagsinok, hindi pagtunaw ng kinain, atake sa puso, stroke, problema sa bato, pagtaba, at madalaas na pagkakaroon ng sipon. Sa maraming pag-aaral napag-alaman ng mga siyentista na apektado ng galit ang mga muscle sa puso ng tao. Nang dahil sa galit, napapabagal nito ang kapasidad ng puso na magdala ng dugo sa iba’t ibang parte ng ating katawan. Naaapektuhan rin ng galit kahit ang pinakalaking parte ng ating katawan, ang ating balat. Nagkakaroon ng mga sakit sa balat tulad ng acne, eczema, at mga rashes. Sa patuloy na pag-aaral naobserbahan na rin na sa pagwala na galit ng isang taong nawawala rin kasabay nito ang mga problema sa balat.

     Bukod pa sa mga nabanggit, malaki rin ang epekto ng pagkagalit sa ating pag-iisip. May mga naitala nang pagkalulong sa droga, depresyon, insomia, paghina sa pagkain, mga di kanais-nais na kilos, at kung minsan apektado na rin nito ang pakikipag-uganayn natin sa ibang tao.

      Mas marami pang kaso ang hindi pa naitatala na ang sanhi ay pagkagalit subalit isa lang talaga ang malinaw sa ating lahat. Hindi kanais-nais ang magalit. kaya maganda na magawa nating makontrol ang ating galit ilan lang ang mga sumusunod na maaring makatulong sa inyo:

*PAGKALMA

      Huminga ng malalim, Bumilang ng hanggang 11 (noon hanggang 10 subalit umiikli na raw ang pasensya ng tao ngayon) . Sa pamamagitan nito naaayos ang ating paghinga at nakakapagpahinga ng maayos. Nagagawa rin nitong mabigyan ng pagkakataon ang isang taong galit na makita ang mga bagay na hindi niya agad magagawa kung magmamadali siyang gumawa ng isang desisyon.

*PAGPAPATAWAD

     Madalas na ang galit ay resulta ng mga di pagkakaunawaan. Hindi ibig sabihin nito na papatawarin mo agad ang isang tao sa unang pagkokompronta ninyo. Nasa sa iyo pa rin ang desisyon kung paano mo aayusin ang mga bagay-bagay.

*PAGHINGI NG TULONG SA MAG PROPESYONAL

    Kung minsan ang mag psychologist lang talaga ang may mga alam kung paano na gagamutin ang isang taong may sobrang galit na sa kanyang puso. Ito ang mga bagay kung saan sila bihasa na siguradong makakatulong sila.

*PAKIKIPAG-USAP

    Anong silbi ng ating mga kaibigan? Sa mga oras na kailangan nating ng kausap, kung minsan payo lang nila sapat na.

*PAGKILOS

    Masaya ring ilabas sa mga pisikal na gawain ang ating galit. Pagsigaw, Pagsuntok sa punching bag, paglalaro ng mga sports, pagsayaw, pagkanta, paggagala, at marami pang iba.

*PANANALANGIN

    Kahit anong bigat ng dinadala natin lahat iyan gumagaan kapag kasama natin SIYA. Minsan nakadarama tayo ng mga pagsubok tulad ng pagkagalit upang makita ng ating Panginoon kung paano natin ito iha-handle at kung paano natin SIYA maaalala sa mga ganitong oras.

     Kahit ano man ang piliin mo sa mga ito ang mas mahalaga ay ang malagpasan natin ang galit na nararamdaman natin sa isang paraang makabubuti sa atin at sa iba dahil ang magalit ay hindi ligtas.

sources: http://www.angelfire.com/mo/countrysoulcafe/anger.html

0 9.18.11.

Beginnings for you.

    Before I start can you just please smile. :)

    Everything turns alive when you are glad.

    Going here, going there, I can go anywhere.

    I Don’t care where to go, what important is you’re there.

    Nodding is all I can do whenever you speak.

    Nothing more I can say for me you’re the best.

    In the midst of my fears, I’ll just think of you.

    No bad auras are entertained, Indeed it’s true.

    Getting disconsolate whenever reality pass through.

    Someday, I promise I’ll tell this all to you.

0 9.18.11.